you cant be that far away from me ; if we're looking on the same side of the moon

Monday, October 23, 2006

sisimulan ko sa latest....
OCTOBER 19
*nang umaga.. sa aking paglalakad. malungkot ang aking isipan.. para pasayahin ko ang aking sarili.. nagbiro at humiling.. 'ano kaya?!? kung sino ang una kong makikitang kaparehas ko ng suot... as in nakapink and blue na tshirt... as in magkasama ha.. e, siya ang soulmate ko..' nakakatuwa mang isipin at naisipan ko ang bagay na iyon..naghanap, nagmasid sa paligid, at hanggang makarating sa trabaho e, wala pa din akong nakita... nawalan na ng pagasa... nang patapos na ang trabaho.. nAglalakad ng wala sa sarili... pahanggang ngayon iniisip ko pa din ung grades kong.. 'xit!' nakapagmura na lang.. ano nga bang gagawin ko?! nawawalan ng pagasa.. sobrang lungkot.. papunta ako ngayong ng main building para mag OUT sa trabaho ko... mga 2:15 na ako nakaalis sa ITHM Opis. naglalakad..nakatungo.. papalapit na sa harap ng main bldg. at sa pag-angat ng ulo ko.. 'xits!' napalundag nanaman ang puso ko.. hanep.. 'bakit ka ba sumusulpot kapag may problema ako?!' hanep! nakita ko siya! nakita ko sila.. ang mga BBP.. (gets! sana ng mga mAREe..) 'last na yata tong pagkikita natin..' haaayy.. kakalungkot mang isipin.. ang malungkot kong mundo e, napuno ng kilig! 'wahahaha...' syempre.. nasa unahan nanaman nila si DODONG.. nagmamafiling nanaman.. as usual.. at aiun.. nasa pinakahuli siya.. napahinto ako.. pinauna ko ng pumasok ang iba.. naghintay na lang akong makapasok silang lahat.. at dun ako papsok.. nakapila sila.. nakakatuwa mang tignan.. maykausap siya sa fone.. narinig ko.. 'opo, sige po!' at pagbaba na pagbaba niya ng fone e, saktong nasa malapit na siya sakin.. at bigla siyang tumingin.. at nagulat naman ako.. at biglang.. "SIGE MAUNA KA NA..." wahahha... kakakilig naman at pinauna pa niya ako.. wahahaha.. at aiun.. dun na natapos ang lahat.. feeling ko nakilala na niya ako.. tsk. tsk. tsk. at paglabas na paglabas ko sa main.. bigla kong naalala ung sign na hinihiling ko.. waaaaahhhh... bigla kong naalala.. nakaPINK at BLUE siya na shirt! 'xits! sign na ba ito?!?!' ASA..
OCTOBER 18
*xits! nakita ko na grades ko! 'pakxit!' hindi umabot! huhuhuh... di ko alam ang gagawin ko!!! heeeeEEeeeeeeelllllppp!!!!!!!! di ko na magawang maging masaya ngayon.. nakasimangot na lang palagi.. nabuburyong na sa kakaisip... haaaaayyyyyy....
OCTOBER 14 - 15
*celebration ng birthday ni LIAN. LAIZA. and CHESKA.. saya! OVERnIGht! mga kumag.. nagsipaginuman.. aiun.. lasing! may bumaksak.. may nahilo.. may wala lang.. parang di uminom.. at may mga nalaman.. na tinatago ng mga tao sa sarili lang nila.. pero.. SEKRETO na un.. wahahaha.... daming pagkain.. daming pwedeng burautin ng mga taong buraot! wahaha.. (peace!) nagmovie marathon... at hindi natulog... umabot ng alas singko at di pa din natutulog... wahahaha.. paidlip - idlip lang ang lahat.. at aiun.. nagjamming.. baraha session.. pulbos session.. at picture picture...
OCTOBER 12
*finals namin sa lit. and math.. nagmamadali ng pumasok.. dahil malelate na ako.. tarantang - taranta na ako.. wala na sa sarili.. basta nakatuon ang pagkatao sa notebook na binabasa ko.. di ko na nakikita kung sino ung mga taong nakakasalubong sa loob ng campus ng USTe.. dumaan sa main bldg.. di ko ba alam kung bakit doon ako natungo.. basta... diredretso lamang at di iniintindi ang mga tao sa paligid.. habang naglalakad.. may nakabangga sakin.. 'xits! naginit ang ulo ko.. (pero slyt lang)..' sa pagbangga sakin.. tumilapon ang notebook na hawak ko.. haaay.. kasalanan ko din naman.. kasi di ako naktingin sa dinadaanan ko.. 'pucha naman!' at aiun.. pinulat niya dali - dali ung notebook ko.. pagtingin ko! 'xitz!' lumundag ang puso ko.. si JAJA pala ang nakabangga sakin.. di ko inaasahan.. nagulat ako.. napatigil.. ung slyt na init ng ulo.. nawala bigla.. wahahah... 'ui pasenxa na ha.. di ko kasi nakita e.. o, eto o..' natulala na lang ako bigla at sabay sabi.. 'auz lang un.. kasalanan ko din naman.. salamat.' 'sorry ulet.. finals?! gudlak!'.. sabay sabi ng.. 'SALAMAT!' wahaaay.. ano ba ito.. syet! kakakilig..
OCTOBER 10 - 13
*FINALS DAY! xits! kabado talaga!!! last na ito!!!
OCTOBER 02 - 04
*ang hirap maging THOMASIAN sa mga araw na ito.. YELLOW DAY! araw araw na nakasuot ng yellow tshirt or any USTe shirt.. pagdiriwang ng pagiging CHAMPIONs!!! asteeeg!!!! aiun.. at sa last day! nagkaroong nag concert.. pinakilala ang mga players at nagkaroon ng FIREWORKS display.. ang pinakamasaya sa lahat!! wahahaha.. aiun.. nakita ko nanaman ang aking.. MVP! wahahaha..
...eto na ang nangyari sakin.. tagal ko na ding hindi nakapag - update ng aking blog...


& 5:38 AM
(1) comments

Wednesday, October 04, 2006

........ continuation

at habang kabado.. sige pa din ang kwentuhan.. xitz! lapit na talaga! di alam kung anung pakiramdam.. sobrang kaba na ewan! halu - halong emosyon ang aking nararamdaman.. ang mga tao sa paligis ko na nasa ISTANBUL.. e halos, naghihiyawan na sa kaba at sa takot na baka matalo ang UST TIGERS! ano ba ito!??! walang magawa kundi manahimik at magdasal ng magdasal.. haaay.. sa sobrang kaba.. di na alam ang pwedeng gawin.. namamasa masa na ang kamay sa sobrang kaba.. di na maipinta ang nararamdaman.. may biglang bumanat.. ang kabang kaninang bumabalot sa pagkatao ko ay unti - unting nababawasan... 'naku! bumanat ang CHI! kwinentuhan ako ng kung anu ano.. halos ata buong pagkatao niya naikwento na niya sakin.. ang tatay niya.. mga kaklase niya.. si JC INTAL, si CHRIS TIU! at kung sinu - sino pa.. haaaay... talaga... mga banat talaga.. naku.. ako lang kasi ang makausap niya kasi ako ang katabi niya..' at aiun.. mabawasan yung kaba ko.. feeling ko ginagawa niya yun.. para pati yung kaba niya mawala din.. hahahahah... at aiun.. nga.. todo na to! matatapos na ang 3rd quarter... xits! nanahimik talaga ako.. sobrang kinabahan na ako.. di ko na talaga magawang magingay pa at makipaglokohan... *dug dug.. dug dug..* ang puso ko! lakas ng tibok! pagdating ng 4th quarter.. iba na talaga ang nararamdaman ko.. wala na.. di na makapanuod.. di ko na din matanong kay Chi kung anung SCORE! wala na.. nakayuko na lang at nagdadasal ng mataimtim.. haaaaaayyy... *hinga ng sobrang lalim..* nakayuko.. napatingin sa gilid ko.. nagulat... pucha! pati si Chi.. nakayuko na din... naririnig ko ang dinadasal niya.. "Lord, makagawa po sana ang Eagles ng matinong laro! isang matinong laro lang po sa katapusan.." diba?!? tas ang dasal ko naman.. "Lord, please.. patnubayan niyo po ang mga players.. ang mga tigers.." o san ka pa?!? tas nagkataon din na magkasalungat kami.. parang nagaaway lang ang mga dasal namin.. hahahah.. 'di kaya naguguluhan si Lord saming dalawa ni Chi?!?' hahahahahah... at aiun na nga... nagtabla ang score.. di ko na talaga alam gagawin ko.. pucha talaga! OVERTIME! nagkaroon nga ng overtime.. ayan na talaga ang mahigpit na laban.. sus! panic mode na ito.. sobrang nanahimik ang buong tao sa loob ng Istanbul.. may iba na naghihintay ng milagro.. yung iba umaasa.. at yung iba.. nanahimik at nagdadasal.. ayan na.. ayan na...


... OCT 02, 2006 UST CHAMPION ...

at exactly.. 7:15 or 7:20..nanalo ang UST at natanggap ang pinakaaasam - asam ng lahat.. YES!!! CHAMPION! sa sobrang tuwa ng lahat ng nasa Istanbul.. nagsitalunan at nagsigawan.. na ang halos lahat ng nasa labas ay napatingin.. sobrang saya! sobrang tuwa! nawala na ang kaba.. napalitan ng galak! ganun pa din.. di pa din maipaliwanag na pakiramdam.. di yung pakiramdam na kabado.. kundi yung pakiramdam na di mo alam ang gusto mong sabihin.. ipakita sa ibang tao at isigaw.. sa sobrang SAYA na nadarama! UMAAPAW na SAYA! pagkatapos ng lahat.. napakanta ang lahat ng nasa Istanbul.. 'GO USTe! GO USTe! GO USTe! GO GO GO GO!!!!' walang hanggang pagkanta.. nanahimik ang mga Atenistang nasa loob ng Istanbul.. kasama na dun si Chi! tumayo siya.. at nakipagkamay sakin.. 'nice game! galing niyo! *sabay ngiti*' pero kakaiba ang ngiti niya.. di mo maipinta.. di mo maipaliwanag.. nakakalungkot man.. e, kung kayo ba naman ang nasa kalagayan niya.. ako.. natry ko ng mapasok sa ganung kalagayan.. sobrang sakit! parang gumuho na lang ang mundo ko! as in OUCH! parang gusto mong sumigaw ng sumigaw.. dahil di mo kayang dalhin ang sakit na nadarama mo.. 'ganun din kaya yung nararamdaman niya noon?! kawawa naman..' aiun.. umalis na sa Istanbul.. galak! saya! ang iniwan sa loob ng kainan.. napuno ng saya ang kabadong pagkatao ng buong Tomasino na parang halos ang lahat ang nakikipaglaban sa mga kalaban....

.. GO0dbYe ..

pagkatapos ng lahat.. nagpunt sa KFC.. pagkatapos magCR! umalis na si Chi! di man lang nakapagpaalam.. di man lang nakapagpasalamat.. pero ayos lang madami pa namang pagkakataon.. 'kung may pagkakataon pa nga ba!??!!!!!'

.. ang Celebration ..

sa KFC.. nagkita - kita ang mga may tiket at walang tiket! kumain.. nagcelebrate! xits! saya! CHAMPION KAMING MGA THOMASIAN! lumakas ang ulan.. nagbaha! talagang para samin ang pagkapanalo.. tignan mo.. pati sa Araneta.. Bumaha..!! tatak ng mga Tomasino yan! pati ang baha nadala sa Araneta.. dahilan ba na sobrang dami ng Tomasino sa Araneta?! pero iba talaga e.. hahahah... haaaayyy.. nakuh! kahit na nabasa sa ulan! naligo sa ulan! at lumusog sa baha! ayos lang.. di na nadarama! basta ang nasa isip lamang namin noon.. USTe ang galing mo talaga! CHAMPION!
CHAMPION ANG MGA TOMASINO!!!!!



& 6:10 PM
(0) comments

Monday, October 02, 2006

.. ang isang masalimuot na araw ng paghahanap ng ticket..

Sa kasamaang palad.. naubusan kami ng ticket.. sa USTe.. pumila sila nachi, lian, sam and lai sa Araneta para ibili kami ng ticket ni apol, umattend kami nila apol, dha, at ako ng Jrn namin.. pagkatapos.. di na inintay ang announcement at sus! aiun.. lumarga na.. so, byahe dito, byahe doon.. papuntang Araneta.. ako, dha, and apol.. napakatraffic! sobra... mahilo-hilo sa pagpunta sa Araneta.. pagdating doon.. sa ikalawang kasamaang palad.. naubusan nanaman kami ng ticket! di nawalan ng pagasa.. kahit na SOLD OUT na lahat ng ticket.. ay eto! sige pa din kami sa pagpila kahit na alam namin ay wala na talagang pagasa.. naghintay.. nabulok.. xits! anu ba yan?!? panu na kami.. lumingon lingon.. naku! puro THOMASIANs pala ang nandito.. naubusan ng ticket ang mga taga USTe.. at isa na din kami sa mga iyon.. mga naghahanap ng milagro na lalapit samin at magbibigay ng isang magandang sagot sa aming mga tanong.. cla nachi, dha and lian lang ang may ticket.. kami na lang apat ang wala pa.. haaaayyy... pumasok na sa loob ang mga may ticket.. at kami?!? naghihintay pa din sa milagrong makakasalamuha namin.. minsan naisip ko tuloy na ang lahat ay nawawalan na ng pagasa.. nakasama sina chaps at ang ate niya.. naghahanap din sila ng ticket.. naghanap ng naghanap.. sobrang napagod na kami.. at eto.. napagisipan na lamang na humanap na lang ng SCALPER! (mga taong nagbebenta ng ticket sa mataas na halaga..) 'no choice mga tol! un na lang ang natatanging pagasa namin..' haaay... anu bang mangyayari samin nean?!? at eto.. umikot sa Araneta.. apol, ako at sam.. nakasalubong si lai at ang isa niyang kasama.. nakablue at take note 'Atenista' siya.. nakasama sa panandaliang pagiikot sa Araneta.. 'anu kayang pangalan niya?! nacurious ba!' napatigil. bumalik sa dating pwesto.. napaupo sa sobrang kapaguran.. pero ang nanatili sa aming isipan.. "nasan na kaya ang mga Scalpers na yan?!? help! sino ba nagbebenta ng ticket jan!??" ayon pa din ang mga sambit ng aming mga isipan.. sa paghahanap ng SCALPERS.. napapakamot na lang kami.. sa pagpapahinga.. 'eto na ang pagasa kong matanong ang pangalan niya...'


..Ang umpisa ng lahat..

karchelle(USTe): ano name mo?!
*napalingon siya*
Atenista: uhmmm... chi! (may kasamang smile..^_^)
karchelle(Thomasian): ang kulet naman.. para lang CHII ng CHOBITS ha?!
chi(Atenista): hehehe... (napatawa at napangiti..)
karchelle(Thomasian): anu ba real name mo?
chi(Atenista): CHINO.
karchelle(Thomasian): aba may kapangalan ka ha.. (biglang ngiti.)
*napatingin siya at napangiti..*

at doon na nagsimula ang lahat.. kulitan. asaran. at kwentuhan.. sobrang bait niya.. kalog nga lang.. nakakatuwa.. sobrang nakakatuwa siya.. kala ko nung una tahimik lang.. pero kakaiba pala.. naisip ko tuloy.. 'may natatangi pa ding Atenistang mabait.. di katulad nung ilan na minira kami at kung anu ano parinig ang mga ginagawa samin..' natuwa ako.. ^_^

..pagpapatuloy ng paghahanap ng scalper..

sabi ko na nga ba at hahantong sa ganito.. unti unting nawawalan na ng pagasa na makakahanap pa din kami ng liligid - ligid na mga SCALPERS! napagisipan na kumain.. at magpunta na lang sa ISTANBUL.. (isang kainan sa Araneta.. na di mo ba malaman kung isang beer house ba?! na matino?! mga tinda.. shawarma, pizza, chicken, alak at mga alak.. na punong - puno ng customer na mga thomasians.. na natatanging kainin na may TV.. 'sa aking pagkakaalam..).. nanatili doon.. at doon na lang nanuod ng GAME! kumain.. umorder na lamang kami ng PIZZA.. hatihati sa bayad.. 28php ang bawat isa.. 139 ang isang pizza.. kumain.. kwentuhan.. jammingan.. asaran.. sumbatan.. at kung anu ano pa.. nagkakahiyaan pa ang bawat isa.. lalung lalo na si CHI.. nahihiya.. 'syempre, sino bang hindi mahihiya kung siya lang ang nagiisang lalaki samin at taga ateneo pa na ang kasama e mga taga USTe.. dba?!' napgkwentuhan ang SCALPER!

Lai:alam mu ba kung anong itsura ng scalper karchelle?!?
Ako: hinde e, mahahalat mo naman kung scalper sila o hindi e..
Chi: ito literal talaga.. (sabay ngiti..)
Lai: nakasuit sa itaas at biglang nakamaong...
ako: tas nakatsinelas?!
Chi: ndi literal talaga.. nakaroller blades..
ako: bakit?
Lai: kasi para mabilis makatakas sa mga manghuhuli..
Chi: ganun ang itsura ng mga SCALPERS! (sabay sabunot sa sarili..)
*tawa ang lahat..*

'bwisit na mga SCALPERs ito.. kung kailan mo kailangan.. tsaka naman hindi nagpapakita..' at aiun nga natapos na ang lahat.. di na masyadong inisip ang mga taong iyon.. pero nabubulok pa din sa mga isip namin.. na sana makahanap pa din kami ng mga taong ganun para makapasok kami sa loob ng Araneta..

.. banatan ng bawat isa. USTe vs ATENEO (mga sponsor ng bawat isa..)

Chi: kami may spinsor.. BLUE magic.
karchelle: kami YELLOW cab.
Chi: BLUE ice.
Lai: kami sa C2 yung lemon..
Chi: daya dapat nagiistart sa YELLOW lang..
Karchelle: uo nga.. (tawa..)
Chi: sige tulungan ko na kayo.. kanta.. yellow ribbon.
Karchelle: Tie a yellow ribbon round the..
Chi: old oak tre.. (tawa..) eto ung mga La Salle meron din.. GREEN cross.. (tawa..)
Lai and ako.. natawa..
Karchelle: UE din meron RED cross.. (tawa..) ba yan wala ang UP?!
Chi: iisip ako..
Karchelle: alam ko na.. MAROON 5.. pero di nman sponsor un e..
Chi: official Band ng mga taga UP.. (tawa)
Karchelle: pwede.. (tawa.)

natapos ang lahat ng magumpisa muli ang GAME! kabado.. sobra! di malaman ang siyang nararamdaman.. 2nd quarter na! waaaahhhh... dito na nagsisimula ang mga mixed emotions ng bawat isa.. may kinakabahan.. may mga nananahimik.. at kung anu ano.. malapit na kasi matapos ang 1st half..


....................................ipagpapatuloy.


& 4:50 PM
(0) comments

..pAtunGkOl Sa AkinG pAgkAtAO..


. . . . . KArChElLe FrAnZy . . . . .




- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

1st yr college ng AB-JOURN (UST)

makulet..

maasahan..

serioso kung serioso..

bigla na lang tumatahimik ng di mo alam kung anung dahilan..

pasaway..

ngarag..

di maipaliwanag na damdamin..

imaginative..

matapang sa labas... pero mahina sa loob..

masayahin?!? kahit na hindi..

tru frend..

MAPAGMAHAL..

loyal..

isang malaking TANGA..

L A S T L Y . . .

'hInDi nA NATUTO'


If you be my star I'll be your sky you can hide underneath me and come out at night when I turn jet black and you show off your light I live to let you shine


links


INChES . . .
kA_Chi
Ap0l
dHarel
Lai
LiAn
NaTsi
SaM


1JrN2 . . .
dheA
cElEsT
celEst2
cHA
cHesCA
cHiArA
GEliQue
jEN
JoYce
mIGUe
moNiCa
pAmMy


coFibEaN
jEzREeL
j0sh
KuYA rAyDon
Miss Altez
ShEriLyN
1JRN2 Multiply

archives

August 2006
September 2006
October 2006

tagboard

credits

This layout was done by nette, with the help of Brushes from 100X100 and the Codes from kriss.Finally, the lovely image was taken from: deviantart. Pls do not take out the credits.

BloGthInGS



In a Past Life...
You Were: A Gorgeous Assassin.

Where You Lived: Egypt.

How You Died: Killed in Battle.
Who Were You In a Past Life?

The Keys to Your Heart
You are attracted to those who are unbridled, untrammeled, and free.

In love, you feel the most alive when things are straight-forward, and you're told that you're loved.

You'd like to your lover to think you are loyal and faithful... that you'll never change.

You would be forced to break up with someone who was emotional, moody, and difficult to please.

Your ideal relationship is lasting. You want a relationship that looks to the future... one you can grow with.

Your risk of cheating is zero. You care about society and morality. You would never break a commitment.

You think of marriage as something that will confine you. You are afraid of marriage.

In this moment, you think of love as commitment. Love only works when both people are totally devoted.
What Are The Keys To Your Heart?